Mga pamilya ng 'SAF 44' muling nanawagan ng hustisya
Matapos ang siyam na taon, hustisya pa rin ang panawagan ng mga pamilya ng tinaguriang SAF 44, ang 44 na Special Action Force commando na namatay sa bakbakan sa Mamasapano, Maguindanao.
Pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos ngayong araw ang National Day of Remembrance para sa kanilang kabayanihan sa Philippine National Police Academy sa Silang, Cavite.
May ulat si senior correspondent Gerg Cahiles.