Archive

VP Sara Duterte nangakong tututukan ang kapakanan ng mga guro

Nakalinya na ang mga programa ng Education department para maihatid sa mga guro ang kanilang mga pangangailangan. Ito'y para mas epektibo nilang magampanan ang kanilang mga tungkulin. Aminado naman si Vice President at Education Secretary Sara Duterte na kahit marami nang naipatupad na pagbabago sa kagawaran, marami pa rin daw dapat gawin para makita ang resulta ng mga reporma. Narito ang report ni senior correspondent AC Nicholls.

Pagtanggap ng Comelec sa pirma sa People's Initiative dadalhin sa Korte Suprema

Mismong mga mambabatas na ang posibleng dumulog sa Korte Suprema para matuldukan ang isyu kaugnay sa pangangalap ng pirma para sa People’s Initiative sa isinusulong na Charter Change. Wala naman daw problema ang Commission on Elections sakaling may maihain na kaso, pero hindi raw sila pwedeng tumigil sa pagtanggap ng signature forms. Ang detalye sa report ni Paige Javier.

Tulfo kinuwestiyon ang pagkalehitimo ng mga nanalo sa Lotto

Kinukuwestiyon ng mga senador ang tila sunod-sunod na mga nananalo sa Lotto. Pinagpaliwanag sa Senado ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa sari-saring haka ukol rito. May ulat si Eimor Santos.

Tsina tinanggap ang paliwanag ni Marcos sa pagbati sa Taiwan

Tila lumamig ang ulo ng Beijing sa paliwanag ni Pangulong Marcos na kahit kinongratulate nya ang Taiwanese president ay tutuparin pa rin ng Pilipinas ang One China Policy nito. Pero uminit naman ang ulo ng Taiwan dahil pinepressure umano ng China ang Pilipinas. Kung paano tayo naiipit sa sigalot ng China at Taiwan, alamin sa report ni Tristan Nodalo.

Mga opisyal: Iilan lang sa consolidated operators ang hirap magbayad

Hindi raw dapat mabahala ang unconsolidated PUV drivers at operators sa laki ng babayaran ngayong may pagkakataon na ulit silang lumahok sa modernization. Giit ng transport officials, bahagi lang ito ng kanilang "birth pains" at handa rin naman daw silang umalalay. Ang reaksyon ng transport groups sa report ni Currie Cator.